Month: April 2018
Ateneo Mental Health Awareness o AMHAW tampok sa Radyo Journalismo
Alamin ang Cacao Culture Farms sa Davao Kasama si Kenneth Reyes-Lao
Pinoy Chess Wizard John Marvin Miciano nasungkit ang ginto sa Asian Youth Chess Championship
Marching order ni DILG Sec Año sa susunod na PNP chief linisin ang PNP
CJ Sereno impeachment bilisan – Pangulong Duterte
Cabinet Report | April 7, 2018
Mga residente ng Boracay matagal ng humihingi ng tulong sa gobyerno upang maayos ang isla.
DILG OIC Año, ibinigay na ang tiwala kay incoming PNP Chief Albyalde
Ibinigay na ni Department of Interior and Local Government Officer in Charge (DILG OIC) Eduardo Año ang kanyang tiwala kay NCRPO Director at incoming PNP Chief Oscar Albayalde para pamunuan ang pambansang pulisya.
Sa pagsisimula ng kanyang panunungkulan sa mga ausunod na araw, nais ni Año na mas patindihin pa nito ang internal cleansing sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Nagawa na ito ni Albayalde sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) na kanyang pinamunuan, lalo na sa mga absent without leave (AWOL) na pulis, mga natutulog sa trabaho,mga pulis na hindi na nagtatrabaho at ang aniya’y drinking-on-the-job cops.
Kapante din si Año na masusunod ang lahat ng kagustuhan ni Pangulong Duterte na maipagpatuloy ang pagsugpo sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon sa bansa sa uri ng pamamahala ni Albayalde.
Tama lang aniya ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga siya sa PNP post dahil sa kanyang kakayanan at pagiging propesyunal sa trabaho.
Binigyang halimbawa din nito ng pangunahan ng opisyal ang matagumpay na paghahanda at paglatag ng seguridad sa nagdaang 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na ginanap sa bansa noong Nobyembre 2017. | via Rey Ferrer